Monday, December 8, 2008

Congrats Pacquiao!!! (a.k.a. Kingkong - Dela Hoya)


Nakalimutan kong ilagay sa blog kahapon ang about sa pagkapanalo ni manny last sunday...it's not just about my palda lang pala...masyado lang kasi akong nagpokus sa pagka maria clara ko nun...kaya na forget ko nang ichika yung labanan nila Oscar Dela Hoya vs. Manny Pacquiao...in which na winner na naman agen itong si Manny. Ano kayang sikreto niya?alaxan nga ba? o burlington socks? o siguro yung wow magic sing? ano nga ba?...

siguro kung pera ang pa uusapan, pwedeng pwede nang tumakbo si Manny sa pagka presidente ng Pilipinas..yun ay kung money matters ang basehan..pero kung fez ang tutukuyin..qualified na siya for president...kung tutuusin nga hindi lang president....kundi king...king of the jungle...hehehe.. (sige lang hindi naman ako kilala ni Manny..).

In speaking of fez, medyo naawa lang ako nang konti kay Oscar Dela Hoya kasi yung golden face ni golden boy eh nagmukhang "tanso face" na sa kakamaso ng kamao ni Pacquiao...eh para naman kasing bakla si Dela Hoya kung sumuntok..pa jab jab na nga lang, hindi pa tumatama...tapos tawagin ba namang "king kong" si Manny?...hoy! Oscar, hindi mo ba alam na sa amin, siya ang pinakamagandang lalaki sa buong bansa? (agen, kung money matters ang pag uusapan)..Hindi porke gwapo ka, pwede mo nang laitin ang itsura ng pambansang kamao namin (na mukhang kamao rin ang fez)?. For your information, si Dra. Vicky Belo pa ang personal dermatologist niyan? (na hindi naman halata)...siguro hindi alam ni Oscar kung bakit lumalayo
si Manny sa tuwing aatake siya ng suntok? kayo, alam niyo ba kung bakit? eto ang dahilan...

During the payt...

Oscar: Hey! you king kong!!Come over here!!show me what you got!!! (habang jumajab kay Manny na hindi naman tumatama)

Manny: (parang nandidiring umamatras) Don't you ever dare to touch me!! (parang baklang nag i eew ang mukha pero talagang natural lang na mukha niya yun)...Only Belo touches my skin..Who touches yours? (sabay pausing ng parehas sa commercial ni Bea Alonzo)..

kawawa naman ang karamihan sa mga pilipino pagkatapos ng payt nila ni Pacqiuao at ni Dela Hoya..bakit?...eh kung hindi ka ba naman gago't kalahati, pilipino ka, tapos tataya taya ka kay Oscar, na hanggang pa cute lang naman pala ang kayang gawin! (in fairness, cute naman siya talaga compared to manny... ay incomparable nga pala yung dalawa)..at siguro, karamihan sa mga pumusta kay Oscar, eh yung mga juging..mukhang na blinded sila ng taas, laki at haba ng...
height, katawan at arm reach ni Dela Hoya...ung mga green minded talaga...advance mag isip...

Napaka Bonggang bongga naman ng victory party na pinrepare ng mga officials kay MAnny pag uwi niya dito sa Pilipinas. biruin mo, hindi pa nga siguro nauubos ung pawis niya pagkatapos ng laban, eh pinagsuot na siya kaagad ng amerikana...speaking of amerikana, in fairness nag improve ung english spokening ni Pacqiuao hah...

During d interview:

reporter: How are you feeling after you have won this fight against the golden boy?

Manny: you know....

reporter: (nagtaka sa sinagot ni manny) What are your plans after this fight now that you beat one of the legend boxers in the world?

Manny: you know...(siguro magpadagdag pa ng english tutors para...you know...)

reporter: (hindi na nagtaka sa sinagot ni pakyaw..ang hirap mag spelling ng surname ni manny) well, thak you for that wonderful interview i had with you...you know...(nahawa na rin yata sa "you know" ni manny)

sana naman next tym kapag kinausap na siya ng mga reporters, wag na niyang dalasan ang pag gamit ng "you know" phrase niya...na overuse na eh...kung baga sa isda, bilasa na...tsaka, sana rin next tym pag may laban si manny, pa lagyan niya naman ng kahit eletrikpan man lang yung prayer room ni nanay Dionisia (na nagmumukhang press conference room kapag may payt si manny) para hindi siya magmukhang naliligo sa pawis paglabas niya don...para kasing siya pa yung lumalaban sa ring eh...

Sunday, December 7, 2008

Kahit ano...

8's bn a long wyl since i last opened my blog...i don't know but i just dont have anything to put in it..but when i read a book about a girl's blog which was compiled by a famous coloumnist from one of the country's leading newspaper,(gosh!!)...na nspyre ako!!!

kasi khit ano lg yung nkasulat sa blog nya..at take note hah...no revisions at non edited yung mga words na nkalagay sa book nya...as in vulgar na words...gaya ng talong, itlog, okra, upo, carrots at balot...at meron pang...p**a hah...

kaya simula ngayon, isusulat ko na sa blog na ito ang kahit na anong gusto kong sabihin..

pag usapan natin yung kahapon...yung araw bago bukas..natatawa ako...hihihihi..(hindi ito kanta hah)...ay wag na nga lang pala yung kahapon..kasi boring...linggo eh..ung exciting lang kahapon is yung nagsuot ako ng ala trahe de boda na pangsimba...para magmukha naman daw akong conservative...bakit?mukha bang liberated yung itsura ko?hindi naman ah...para lang mukhang ibebenta sa golden field..pero despite ng suot ko, pag dating ko sa church, sinita ako ng babaeng nakaputi(take note: hindi sya wyt lady, mukha lang).

babaeng naka wyt(in short,wyt lady): ba't ang haba- haba ata ng suot mo?. mukha ka atang mamamalengke ah..
ako: eh kasi sabi nyo po last sunday nung pumasok ako dito, habaan ko palda ko..bakit, ayaw nyo ba nito? (sabay tingin ko sa palda kong hindi ko rin feel, napilitan ko lang isuot)
wyt lady:(sabay tingin din sa palda ko na mukhang hindi nya rin ata feel). masyado lang kasing mahaba..pero mabuti na yan kaysa nung last sunday..(bakit, mukha ba ko nong nagtitinda ng karne?)
ako:(kunwari dedma lang, tapos sabay diretso sa cr, dahil na consciuos ata ako sa suot ko)

Medyo na bad trip naman ako ng bongang bonggang to da highest level na to da max dahil sa kamalasan na inabot ko. kasi, unang una, bago ako pumuntang skul, nawala yung P40 na pinulupot ko last nyt sa short ko..siguro may gumapang na kung ano kagabi sakin kaya na los en pound yun..meron pa, nasira pa yung malapit ko nang maputol na nazi bracelet..kaya ung basketbol bowler na lang yung ginam8 ko..tapos, nung magsusuot na ko ng medyas, naalala ko na last pair na lg pala yung nagamit ko nung friday kasi tinamad akong maglaba ng damit kahapon(siguro naman alam nyo na kung anong medyas ang suot ko ngayon). pagdating ko naman sa skul, na late na nga ako sa exams, tapos, hindi ko pa natapos ang test..halos sumambulat sa aking mga mata ang walang hanggang alon ng luha na tila hindi mapigil ng aking damdamin...but don't wori, buhay pa naman ako despite ng mga kamalasan na inabot ko today...sana bukas exchange naman kami nung sinuwerte ngayon..para fair..

ngayon- ngayon lang, habang nasa IL kami ng mga klasmeyts ko, tska ko lang naalala na may naghihintay pa kong labada sa bahay(kung hindi pa ko nag blog, hindi ko pa mareremember na kelangan ko na palang maglaba)kaya uuwi na muna akech..w8 a minute, bago ako umuwi, i wud lyk 2 share 2 ol ob u na na stock ang schoolbell namin kaya parang may fire drill kami d2 sa skul ngayon kahit na time lang pala yun..kasi ung mga gagong students sa 2nd floor, pinaglaruan ata yung schoolbell sa taas..(mga gago talaga).sige, uwi na muna me kasi binabasa na ni marian yung blog ko..ah c marian, klasmeyt ko yan..sige, bye na...nxt tym na lang ulet...baka bukas ma open ko tong blog ko..